Médecins Sans Frontières (MSF) ay isang internasyonal, may kasarinlan, ukol sa medisina, at makataong samahan na naghahatid ng tulong sa madla na apektado ng armadong tunggalian, epidemya, mga likas na sakuna at nabubukod sa pangangalagang pangkalusugan. Sa may mahigit na 30,000 na pandaigdigang kawani, si MSF ay nag-aalok ng tulong sa mga tao batay sa pangangailangan nang walang diskriminasyon anuman ang lahi, relihiyon, kasarian o kaakibat na pulitika.
Kami ay mga doctor, nurse, midwives, epidemiologists, pharmacists, laboratory technicians, logistic experts, administrators at marami pang ibang uri ng kawani.
BAKANTENG TRABAHO: Laborer
Nagsimula ang operasyon ni Medecins Sans Frontieres sa Pilipinas noong 1984 ngunit may permanenteng presensya mula noong pagtugon sa Bagyong Haiyan noong 2013. Ang proyekto ng TB sa Tondo ay nagsimula noong Hulyo 2021 at naglalayong siyasatin, gamutin at sansalain ang TB. Isinasagawa ito sa pakikipagtulungan sa Lungsod ng Maynila Health Department at bilang suporta sa National TB Program.
Mayroong apat (4) na bahagi ng proyekto: (1) Contact Investigation and TB Preventive Treatment, (2) Active Case Finding (ACF), (3) Operational Research and (4) Health Promotion and Community Mobilization.
Pangunahing Layunin ng Posisyon
Ang mga pangunahing layunin ng MSF Laborer ay ang pagsasagawa ng mga pangunahing teknikal at logistic na gawain na hindi nangangailangan ng anumang mga espesyal na kwalipikasyon ayon sa mga pamamaraan ng MSF at pagsunod sa mga tagubilin ng line manager upang makapag-ambag sa konstruksyon, maayos na pagsasagawa, kalinisan at pagkukumpuni sa loob ng tanggapan ng MSF.
Pangunahing Tungkulin
Tumulong sa pagsasaayos sa lugar ng aktibidades sa komunidad batay sa naaprubahang pagpaplano at lokasyong ibinahagi ng Logistics Manager.
- Pag-akyat at pagbaba ng mga materyales at kagamitan na ginagamit sa pagsasaayos.
- Paglalagay ng mga tolda, mesa at upuan batay sa pagpaplanong ibinigay ng line manager.
- Tumulong sa pagkakabit ng mga kable at extension wires.
- Pagsasagawa ng maliit na pagkukumpuni ng tolda, electric fan, cable wire at iba pang kagamitan na ginagamit para sa pagsasaayos.
- Tumulong sa pagtiyak ng kalinisan sa lokasyon ng ACF.
- Pagtiyak na ang lahat ng mga kagamitan ay nakaimbak ayon sa payo ng line manager.
- Pagbibigay-alam sa line manager ng anumang insidente na maaaring mangyari sa panahon ng kanyang trabaho.
- Pagsasagawa ng mga gawaing ipinagkatiwala sa kanya ayon sa tinukoy sa diskripsiyon ng kanyang trabaho.
MSF offer
- Lugar ng Trabaho: Tondo, Manila
- Uri ng Kontrata: Fixed-Term Contract (6 na buwan), na maaaring maging permanente
- Part-time, 25 na oras sa isang linggo, 5 araw sa isang linggo (Lunes hanggang Biyernes)
- at 2 Saturdays sa isang buwan
- Antas ng Posisyon: 1 sa MSF transparent function grid, na may mataas at kompetitibong sahod
- Benepisyo: Paid vacations, 13th month pay, HMO kabaling ang mga kwalipikadong dependyente
- Iba pa: Ibat-ibang kultura, palakaibigan na pangkat, MSF events
Petsa ng Pagsisimula: SA LALONG MADALING PANAHON
Mga Katangian
- Edukasyon: Walang kailangan
- Karanasan: Walang kailangan
- Wika: Tagalog
- Kalidad: Karangalan, pag-iingat, pagsasarili
- Kakayahan: Paglaan sa mga prinsipyo ng MSF, pag-uugali na may kakayahang umangkop, mga resulta at dekalidad na pag-aangkop, pakikisama at pakikipagtulungan, pag-aangkop sa serbisyo
Mga Dokumentong Ibibigay:
Cover letter at kasalukuyang CV, kasama ang mga kopya ng sertipiko ng trabaho na may kaugnayan para sa posisyon.
Ang mga interesadong aplekante ay iniimbitahan na ipadala ang kanilang aplikasyon sa msff-manila-recruitment@paris.msf.org. Ang paksa ng email ay dapat may nakasulat na: “Tondo - Laborer”
Tandaan na ang mga kumpleto at nauugnay na aplikasyon lamang ang isasaalang-alang sa proseso, at ang mga matagumpay na aplikante lamang ang tatawagin para sa panayam o interview sa Hulyo.
Ang huling araw ng pagsusumite ng aplikasyon: 4th of July 2023
TANDAAN: Ang mga matagumpay na aplikante lamang ang tatawagin para sa panayam o interview.
Walang pera, mga produkto o serbisyo na alok, o paboritismo, ang papahintulutan sa proseso ng pagrecruit. Inilalaan ng MSF ang karapatang tanggihan ang sinumang aplikante na nakinabang mula sa mga naturing Gawain. Anumang mga ipinagbabawal na paghingi ay maaaring iulat sa sistema ng hustisya.
Ang MSF ay isang Employer na may Pantay na Oportunidad, na nakatuon sa pagbibigay at pagpapaunlad ng isang napapabilang na kapaligiran kung saan ang lahat ng tao, kabilang ang mga kababaihan, minorya, LGBTQ+ at iba pang mga grupong hindi gaanong kinatawan ay sinusuportahan, iginagalang, at hinihikayat na maging mahusay. Nagbibigay kami ng pantay na pagkakataon anuman ang lahi, edad, kasarian, oryentasyong sekswal, relihinyon, pisikal na kakayahan o kapansanan, o kaugnayan sa pulitika.
Job Type: Part-time
Contract length: 6 months
Part-time hours: 25 per week
Salary: Php9,000.00 - Php12,000.00 per month
Benefits:
- Health insurance
- Life insurance
Schedule:
- Day shift
- Monday to Friday
- On call
- Weekends
Application Deadline: 07/04/2023
Expected Start Date: 07/10/2023